Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 3:17-24

MGA PANAGHOY 3:17-24 ABTAG01

Ang aking kaluluwa ay inilayo sa kapayapaan; nalimutan ko na kung ano ang kaligayahan. Kaya't aking sinabi, “Wala na ang aking kaluwalhatian, at ang aking pag-asa sa PANGINOON.” Alalahanin mo ang aking paghihirap at ang aking kapaitan, ang katas ng mapait na halaman at ng apdo. Patuloy itong naaalala ng aking kaluluwa at yumuyuko sa loob ko. Ngunit ito'y naaalala ko, kaya't mayroon akong pag-asa: Ang tapat na pag-ibig ng PANGINOON ay hindi nagmamaliw, ang kanyang mga habag ay hindi natatapos; sariwa ang mga iyon tuwing umaga, dakila ang iyong katapatan. “Ang PANGINOON ay aking bahagi,” sabi ng aking kaluluwa; “kaya't ako'y aasa sa kanya.”