Mga Panaghoy 3:17-24
Mga Panaghoy 3:17-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya't sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.” Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.
Mga Panaghoy 3:17-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan. Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa PANGINOON. Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”
Mga Panaghoy 3:17-24 Ang Biblia (TLAB)
At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
Mga Panaghoy 3:17-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Naglaho sa akin ang bakas ng kalusugan, maging kapayapaan at kaligayahan man. Kaya't sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas at ang aking pag-asa kay Yahweh.” Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.
Mga Panaghoy 3:17-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)