Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 1:1-4

MGA PANAGHOY 1:1-4 ABTAG01

Kaylungkot na nakaupong nag-iisa ang lunsod na dating punô ng mga tao! Siya'y naging parang isang balo, siya na dating dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na dating prinsesa ng mga lalawigan ay naging alipin! Siya'y umiiyak nang mapait sa gabi, may mga luha sa kanyang mga pisngi; sa lahat ng kanyang mangingibig ay wala ni isa mang sa kanya'y umaliw, lahat ng kanyang mga kaibigan sa kanya ay nagtaksil, sila'y naging mga kaaway niya. Ang Juda ay dinalang-bihag sa ilalim ng pagdadalamhati at mabigat na paglilingkod. Siya'y naninirahan sa gitna ng mga bansa, ngunit walang natagpuan na mapagpapahingahan, inabutan siya ng lahat ng humahabol sa kanya sa gitna ng pagkabalisa. Ang mga daan patungo sa Zion ay nagluluksa, sapagkat walang dumarating sa kapistahang itinakda. Lahat ng kanyang pintuan ay giba, ang mga pari niya'y dumaraing; ang kanyang mga dalaga ay pinahihirapan, at siya'y mapait na nagdurusa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA PANAGHOY 1:1-4