Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 1:1-4

MGA PANAGHOY 1:1-4 ABTAG

Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; Sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: Ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway. Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; Siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; Inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit. Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; Lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: Ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA PANAGHOY 1:1-4