“Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito, at ang mga salita ng iyong bibig na gaya ng malakas na hangin? Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan? O nililiko ba ng Makapangyarihan sa lahat ang matuwid? Kung ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kanya, sa kapangyarihan ng kanilang pagsalangsang ay kanyang ibinigay sila. Kung hahanapin mo ang Diyos, at dadaing ka sa Makapangyarihan sa lahat; kung ikaw ay dalisay at matuwid; tiyak na gigising siya dahil sa iyo, at ibabalik ka sa iyong matuwid na tirahan. At bagaman maliit ang iyong pasimula, ang iyong huling wakas ay magiging napakadakila. “Sapagkat magsiyasat ka sa mga nagdaang panahon, hinihiling ko sa iyo, at isaalang-alang mo ang natuklasan ng mga ninuno; sapagkat tayo'y sa kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagkat ang ating mga araw sa lupa ay isang anino. Hindi ka ba nila tuturuan, at sasabihin sa iyo, at bibigkas ng mga salita mula sa kanilang pang-unawa? “Lalago ba ang yantok kung walang latian? Tutubo ba ang tambo kung walang tubig? Habang namumukadkad pa at hindi pa pinuputol, una silang nalalanta kaysa alinmang halaman. Gayon ang mga landas ng lahat ng lumilimot sa Diyos; ang pag-asa ng masamang tao ay maglalaho.
Basahin JOB 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 8:2-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas