“Hanggang kailan ka magsasalita ng ganyan? Nag-iingay ka lang at walang kabuluhan ang mga sinasabi mo. Hindi maaaring pilipitin ng Makapangyarihang Dios ang katarungan o baluktutin ang katuwiran. Nagkasala ang iyong mga anak laban sa Dios kaya nararapat lamang ang natanggap nilang kaparusahan. Pero kung lalapit ka sa Makapangyarihang Dios, at magmamakaawa sa kanya, at mamumuhay nang malinis at matuwid, kahit ngayon ay agad ka niyang tutulungan at ibabalik sa mabuting kalagayan. At ang kayamanang ibibigay sa iyo ay higit pa kaysa sa kayamanan mo noon. “Tanungin mo ang mga matatanda. Alamin mo kung ano ang natutunan ng kanilang mga ninuno. Sapagkat parang kailan lang tayo ipinanganak at kaunti lang ang ating nalalaman, at ang mga araw natin dito sa mundo ay tulad ng anino na hindi nagtatagal. Pakinggan mo sila, at sasabihin nila sa iyo ang kanilang nalalaman. “Hindi mabubuhay ang halamang tubig kung walang tubig. Mamamatay iyon kahit na pasibol pa lang at hindi pa panahong putulin. Ganyan din ang kahihinatnan ng lahat ng taong tumatalikod sa Dios. Ang kanyang pag-asa ay mawawala.
Basahin Job 8
Makinig sa Job 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 8:2-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas