Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 35

35
1At si Elihu ay sumagot at sinabi,
2“Iniisip mo bang ito'y makatuwiran?
Sinasabi mo bang, ‘Sa harapan ng Diyos ito'y aking karapatan,’
3na iyong tinatanong, ‘Ano bang iyong kalamangan?
Paanong mas mabuti ako kung ako'y nakagawa ng kasalanan?’
4Sasagutin kita
at ang iyong mga kaibigang kasama mo.
5Tumingala ka sa langit at tingnan mo;
at masdan mo ang mga ulap, na mas mataas kaysa iyo.
6Kung#Job 22:2, 3 ikaw ay nagkasala, anong iyong nagawa laban sa kanya?
At kung ang iyong mga pagsuway ay dumarami, anong iyong ginagawa sa kanya?
7Kung ikaw ay matuwid, anong sa kanya'y iyong ibinibigay;
o ano bang tinatanggap niya mula sa iyong kamay?
8Ang iyong kasamaan ay nakakapinsala sa ibang gaya mo;
at ang iyong katuwiran, ay sa ibang mga tao.
9“Dahil sa dami ng mga kaapihan, ang mga tao'y sumisigaw;
sila'y humihingi ng saklolo dahil sa kamay ng makapangyarihan.
10Ngunit walang nagsasabing, ‘Nasaan ang Diyos na sa akin ay lumalang,
na siyang nagbibigay ng awit sa kinagabihan,
11na siyang nagtuturo sa atin ng higit kaysa mga hayop sa daigdig,
at ginagawa tayong mas matalino kaysa mga ibon sa himpapawid?’
12Tumatawag sila roon, ngunit siya'y hindi sumasagot,
dahil sa kapalaluan ng mga taong buktot.
13Tunay na hindi pinapakinggan ng Diyos ang walang kabuluhang karaingan,
ni pinapahalagahan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
14Lalo pa nga kung iyong sinasabing hindi mo siya nakikita,
na ang usapin ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
15At ngayon, sapagkat ang galit niya'y hindi nagpaparusa,
at ang kasamaan ay hindi niya sinusunod,
16ibinubuka ni Job ang kanyang bibig sa walang kabuluhan,
siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.”

Kasalukuyang Napili:

JOB 35: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya