Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kanyang bibig at sinumpa ang araw ng kanyang kapanganakan. Sinabi ni Job: “Maglaho nawa ang araw nang ako'y isilang, at ang gabi na nagsabi, ‘May batang lalaking ipinaglihi.’ Magdilim nawa ang araw na iyon! Huwag nawang hanapin iyon ng Diyos sa itaas, ni silayan man iyon ng liwanag. Hayaang angkinin iyon ng mapanglaw at pusikit na kadiliman. Tirahan nawa iyon ng ulap; takutin nawa iyon ng kadiliman ng araw. Ang gabing iyon—sakmalin nawa ng makapal na kadiliman! Huwag itong magsaya na kasama ng mga araw ng taon, huwag nawa itong mapasama sa bilang ng mga buwan. Oo, ang gabing iyon nawa ay maging baog, huwag marinig doon ang tinig ng kagalakan. Sumpain nawa iyon ng mga sumusumpa sa araw, ng mga bihasa sa paggising sa Leviatan. Magdilim nawa ang mga bituin ng pagbubukang-liwayway niyon; hayaang umasa ito ng liwanag, ngunit hindi magkakaroon, ni mamalas ang mga talukap-mata ng umaga, sapagkat hindi nito tinakpan ang mga pinto ng sinapupunan ng aking ina, o ikinubli man ang kaguluhan sa aking mga mata. “Bakit hindi pa ako namatay nang ako'y isilang? Bakit hindi ako nalagutan ng hininga nang ako'y iluwal? Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ang mga dibdib, na aking sususuhan? Sapagkat nahihimlay at natatahimik na sana ako, ako sana'y natutulog; nagpapahinga na sana ako
Basahin JOB 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 3:1-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas