Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 23:1-12

JOB 23:1-12 ABTAG01

Nang magkagayo'y sumagot si Job, at sinabi, “Ang aking sumbong ngayo'y mapait din, ang kamay niya'y mabigat sa kabila ng aking pagdaing. O kung alam ko lamang kung saan ko siya matatagpuan, upang ako'y makalapit maging sa kanyang upuan! Ilalagay ko ang aking usapin sa kanyang harapan, at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran. Malalaman ko kung ano ang kanyang isasagot sa akin, at mauunawaan ko kung ano ang kanyang sasabihin sa akin. Makikipagtalo ba siya sa akin sa laki ng kanyang kapangyarihan? Hindi; kundi ako'y kanyang papakinggan. Makakapangatuwiran sa kanya ang matuwid doon; at ako'y pawawalang-sala magpakailanman ng aking hukom. “Ako'y lumalakad pasulong ngunit wala siya roon; at pabalik, ngunit hindi ko siya maunawaan; sa kaliwa ay hinahanap ko siya, ngunit hindi ko siya namataan, bumaling ako sa kanan, ngunit hindi ko siya mamasdan. Ngunit nalalaman niya ang daang nilalakaran ko; kapag ako'y kanyang nasubok, ay lalabas akong parang ginto. Lubos na sumunod sa kanyang mga hakbang ang mga paa ko, ang kanyang landas ay aking iningatan, at hindi ako lumiko. Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kanyang mga labi; pinagyaman ko ang mga salita ng kanyang bibig sa aking dibdib.