Job 23:1-12
Job 23:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito naman ang sagot ni Job: “Hanggang ngayon ay masama pa itong aking loob, bagama't ako'y nananangis, pinaparusahan pa rin ng Diyos. Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan, pupuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan. Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayan at ilalahad kong lahat ang aking katuwiran. Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin; nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin. Gagamitin kaya sa akin ang lahat niyang kapangyarihan? Hindi! Sa halip, hinaing ko'y kanyang papakinggan. Sapagkat ako'y taong matuwid na haharap sa kanya, kanyang ipahahayag na ako'y walang sala. “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan; hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran. Di ko rin siya nakita sa dakong hilaga, at sa bandang timog, ni bakas ay wala. Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan. Pagkat landas niya'y aking nilakaran, hindi ako lumihis sa ibang daanan. Ako'y hindi lumalabag sa kanyang kautusan, at ang kanyang mga salita ay aking iniingatan.
Job 23:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, sinabi ni Job, “Hanggang ngayoʼy labis pa rin ang hinaing ko. Pinahihirapan pa rin ako ng Dios sa kabila ng labis kong pagdaing. Kung alam ko lang kung saan ko siya hahanapin; kung makakapunta lang sana ako sa kinaroroonan niya, sasabihin ko sa kanya ang aking kaso at ilalahad ang aking katuwiran. Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya sa akin at gusto ko ring maintindihan ang sasabihin niya. Makikipagtalo kaya siya sa akin gamit ang kapangyarihan niya? Hindi! Hindi niya iyon gagawin, kundi pakikinggan niya ako. Ang taong matuwid na tulad ko ay maaaring mangatuwiran sa harap ng Dios na aking hukom, at palalayain niya ako nang lubusan. “Hinanap ko ang Dios sa kung saan-saan – sa silangan, kanluran, hilaga, at timog, pero hindi ko siya matagpuan. Ngunit alam niya ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan niya ako, makikita niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto. Sinunod ko ang kanyang mga pamamaraan; hindi ko ito sinuway. Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko ang mga salita niya ng higit pa sa pang-araw-araw na pagkain ko.
Job 23:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing: ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik. Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan! Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran. Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin, at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin. Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi; kundi pakikinggan niya ako. Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid; sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom. Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya; at sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya: siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya. Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto. Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko. Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
Job 23:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito naman ang sagot ni Job: “Hanggang ngayon ay masama pa itong aking loob, bagama't ako'y nananangis, pinaparusahan pa rin ng Diyos. Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan, pupuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan. Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayan at ilalahad kong lahat ang aking katuwiran. Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin; nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin. Gagamitin kaya sa akin ang lahat niyang kapangyarihan? Hindi! Sa halip, hinaing ko'y kanyang papakinggan. Sapagkat ako'y taong matuwid na haharap sa kanya, kanyang ipahahayag na ako'y walang sala. “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan; hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran. Di ko rin siya nakita sa dakong hilaga, at sa bandang timog, ni bakas ay wala. Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan. Pagkat landas niya'y aking nilakaran, hindi ako lumihis sa ibang daanan. Ako'y hindi lumalabag sa kanyang kautusan, at ang kanyang mga salita ay aking iniingatan.
Job 23:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing: Ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik. Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, Upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan! Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, At pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran. Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin, At matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin. Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi; kundi pakikinggan niya ako. Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid; Sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom. Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya; At sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya: Siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya. Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; Pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto. Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko. Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; Aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.