“Ang tao, na ipinanganak ng babae ay may kaunting araw, at punô ng kaguluhan. Siya'y umuusbong na gaya ng bulaklak, at nalalanta; siya'y nawawalang gaya ng anino, at hindi namamalagi. At iyo bang iminumulat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at dinadala siya sa kahatulan na kasama mo? Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi? Walang sinuman. Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na, at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo, at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan; ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto, upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.
Basahin JOB 14
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 14:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas