Job 14:1-6
Job 14:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ang buhay ng tao'y maikli lamang, subalit punung-puno ng kahirapan. Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas, parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam. Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang? Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman? Mayroon bang malinis na magmumula, sa taong marumi at masama? Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw, at bilang na rin ang kanyang mga buwan, nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan. Lubayan mo na siya at pabayaan, nang makatikim naman kahit kaunting kaginhawahan.
Job 14:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Ang buhay ng tao ay maikli lamang at puno ng kahirapan. Ang katulad nito ay isang bulaklak, namumukadkad pero agad nalalanta. Katulad din ito ng aninong biglang nawawala. Kaya Panginoon, bakit kailangan nʼyo pang bantayan nang ganito ang tao? Gusto nʼyo pa ba siyang hatulan sa inyong hukuman? May tao bang nabubuhay na lubusang matuwid? Wala! Sapagkat ang lahat ay ipinanganak na makasalanan. Sa simula paʼy itinakda nʼyo na kung gaano kahaba ang itatagal ng buhay ng isang tao. At hindi siya lalampas sa itinakda nʼyong oras sa kanya. Kaya hayaan nʼyo na lamang siya para makapagpahinga naman siya katulad ng isang manggagawa pagkatapos magtrabaho.
Job 14:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan. Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi. At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo? Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala. Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan; Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
Job 14:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ang buhay ng tao'y maikli lamang, subalit punung-puno ng kahirapan. Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas, parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam. Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang? Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman? Mayroon bang malinis na magmumula, sa taong marumi at masama? Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw, at bilang na rin ang kanyang mga buwan, nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan. Lubayan mo na siya at pabayaan, nang makatikim naman kahit kaunting kaginhawahan.
Job 14:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan. Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: Siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi. At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, At ipinagsasama mo ako upang hatulan mo? Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala. Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, At iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan; Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, Hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.