Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, siya'y itatapong katulad ng sanga at matutuyo, at sila ay titipunin at ihahagis sa apoy at masusunog. Kung kayo'y mananatili sa akin, at ang mga salita ko'y mananatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong nais, at ito'y gagawin para sa inyo. Sa pamamagitan nito'y naluluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magbunga ng marami, at maging mga alagad ko. Kung paanong minahal ako ng Ama, ay gayundin naman minamahal ko kayo. Manatili kayo sa aking pagmamahal. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay mananatili kayo sa aking pag-ibig gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig. Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay mapasainyo, at ang inyong kagalakan ay malubos.
Basahin JUAN 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JUAN 15:5-11
4 Days
The Bible commands us to work hard, but it also tells us that it is God—not us—who produces results through our work. As this four day plan will show, the Christian professional must embrace the tension between “trusting” and “hustling” in order to find true Sabbath rest.
God loves you. Whoever you are, wherever you are in your life, God loves you! In this month, when we celebrate love, don't forget that God's love for you is greater than every other love. In this four day series, immerse yourself in God's love.
4 na araw
Ang ating buhay espirituwal ay gaya ng halaman na lumalago at namumunga. Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa ating paglago kay Kristo.
5 Days
‘Tis the season to be jolly, but also very busy. Come away for a few moments of rest and worship that will sustain you throughout the merry labors of the season. Based on the book Unwrapping the Names of Jesus: An Advent Devotional , this 5-day devotional reading plan will guide you to receive Jesus’ rest this Christmas by taking moments to remember His goodness, express your neediness, seek His stillness, and trust His faithfulness.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas