Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 15:5-11

Juan 15:5-11 ASD

“Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay tulad ng mga sangang itinatapon at natutuyo, at pagkatapos ay tinitipon at inihahagis sa apoy para sunugin. Kung mananatili kayo sa akin at ang mga salita koʼy mananatili sa inyo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin ninyo. Napaparangalan ang aking Ama kung namumunga kayo nang sagana, at sa ganitong paraan ay naipapakita ninyo na mga alagad ko kayo. “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayundin namang iniibig ko kayo. Manatili kayo sa aking pag-ibig. At kayoʼy mananatili sa aking pag-ibig, kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, katulad ko na nananatili sa pag-ibig ng aking Ama sapagkat sinusunod ko ang mga utos niya. Sinabi ko sa inyo ang bagay na ito upang magalak din kayong katulad ko at maging lubos ang inyong kagalakan.

Video para sa Juan 15:5-11