Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 29:10-14

JEREMIAS 29:10-14 ABTAG01

“Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON: Kapag naganap na ang pitumpung taon para sa Babilonia, dadalawin ko kayo, at tutuparin ko sa inyo ang aking pangako, at ibabalik ko kayo sa dakong ito. Sapagkat nalalaman ko ang aking mga panukala para sa inyo, sabi ng PANGINOON, mga panukala para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama, upang bigyan kayo ng kinabukasan at ng pag-asa. At kayo'y tatawag sa akin, at kayo'y lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko kayo. Hahanapin ninyo ako at matatagpuan kapag hinanap ninyo ako nang inyong buong puso. Ako'y inyong matatagpuan, sabi ng PANGINOON, at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng PANGINOON. Ibabalik ko kayo sa dakong pinagkunan ko sa inyo tungo sa pagkabihag.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya