JEREMIAS 22
22
Ang Mensahe ni Jeremias sa mga Namumuno sa Juda
1Ganito ang sabi ng Panginoon: “Bumaba ka sa bahay ng hari ng Juda, at sabihin mo doon ang salitang ito,
2at iyong sabihin, ‘Pakinggan mo ang salita ng Panginoon, O hari ng Juda, na nakaluklok sa trono ni David, ikaw, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong mga mamamayan na pumapasok sa mga pintuang ito.
3Ganito ang sabi ng Panginoon: Gumawa kayo nang may katarungan at katuwiran, at iligtas ninyo ang ninakawan mula sa kamay ng mapang-api. At huwag ninyong gawan ng masama o karahasan ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo, o magpadanak man ng walang salang dugo sa dakong ito.
4Sapagkat kung tunay na inyong susundin ang salitang ito, kung gayo'y papasok sa mga pintuan ng bahay na ito ang mga hari na nakaupo sa trono ni David, na nakasakay sa mga karwahe at mga kabayo, sila at ang kanyang mga lingkod, at ang kanilang taong-bayan.
5Ngunit#Mt. 23:28; Lu. 13:35 kung hindi ninyo susundin ang mga salitang ito, ako'y sumusumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay mawawasak.
6Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sambahayan ng hari ng Juda,
“‘Ikaw ay gaya ng Gilead sa akin,
gaya ng tuktok ng Lebanon;
tiyak na gagawin kitang isang disyerto,
gaya ng mga lunsod na hindi tinatahanan.
7Ako'y maghahanda ng mga mamumuksa laban sa iyo,
bawat isa'y may kanya-kanyang mga sandata;
at kanilang puputulin ang iyong mga piling sedro,
at ihahagis sa apoy.
8“‘Maraming bansa ang daraan sa lunsod na ito, at sasabihin ng bawat isa sa kanyang kapwa, “Bakit ganito ang ginawa ng Panginoon sa dakilang lunsod na ito?”
9At sila'y sasagot, “Sapagkat kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon nilang Diyos, at sumamba sa ibang mga diyos, at naglingkod sa kanila.”’”
Ang Pahayag tungkol kay Shallum
10Huwag ninyong iyakan ang patay,
o tangisan man ninyo siya;
kundi patuloy ninyong iyakan ang umaalis,
sapagkat hindi na siya babalik,
ni makikita pa ang kanyang lupang tinubuan.
11Sapagkat#2 Ha. 23:31-34; 2 Cro. 36:1-4 ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Shallum na anak ni Josias, na hari ng Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kanyang ama, na umalis sa lugar na ito: “Hindi na siya babalik rito,
12kundi sa dakong pinagdalhan sa kanya bilang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya muling makikita ang lupaing ito.”
Ang Pahayag tungkol kay Jehoiakim
13“Kahabag-habag siya na nagtatayo ng kanyang bahay sa kawalang-katuwiran,
at ng kanyang mga silid sa itaas sa pamamagitan ng kawalang-katarungan;
na pinapaglingkod ang kanyang kapwa na walang upa,
at hindi niya binibigyan ng kanyang sahod;
14na nagsasabi, ‘Ako'y magtatayo para sa sarili ko ng malaking bahay
na may maluluwang na silid sa itaas,’
at naglalagay ng mga bintana roon,
dinidingdingan ng sedro,
at pinipintahan ng kulay pula.
15Sa palagay mo ba ikaw ay hari,
sapagkat nakikipagpaligsahan ka na may sedro?
Di ba't ang iyong ama ay kumain at uminom
at naggawad ng katarungan at katuwiran?
Kaya naman iyon ay ikinabuti niya.
16Kanyang hinatulan ang kapakanan ng dukha at ng nangangailangan;
at iyon ay mabuti.
Hindi ba ito ang pagkilala sa akin?
sabi ng Panginoon.
17Ngunit ang iyong mga mata at puso
ay para lamang sa iyong madayang pakinabang,
at sa pagpapadanak ng walang salang dugo,
at sa paggawa ng pang-aapi at karahasan.”
18Kaya't#2 Ha. 23:36–24:6; 2 Cro. 36:5-7 ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda,
“Hindi nila tataghuyan siya na sasabihin,
‘Ah, kapatid kong lalaki!’ o kaya'y, ‘Ah, kapatid na babae!’
Hindi nila tataghuyan siya na sasabihin,
‘Ah, panginoon!’ o, ‘Ah, kamahalan!’
19Ililibing siya ng libing ng asno,
kakaladkarin at itatapon sa labas ng mga pintuan ng Jerusalem.”
20“Umakyat ka sa Lebanon at sumigaw ka,
ilakas mo ang iyong tinig sa Basan,
at ikaw ay sumigaw mula sa Abarim;
sapagkat ang lahat mong mangingibig ay nalipol.
21Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kasaganaan,
ngunit iyong sinabi, ‘Hindi ako makikinig.’
Ito na ang iyong pamumuhay mula sa iyong pagkabata,
na hindi mo pinakinggan ang aking tinig.
22Papastulin ng hangin ang lahat mong mga pastol,
at ang iyong mga mangingibig ay pupunta sa pagkabihag;
kung magkagayon ay mapapahiya ka at malilito
dahil sa lahat mong kasamaan.
23O naninirahan sa Lebanon,
na namumugad sa gitna ng mga sedro,
gayon na lamang ang iyong paghihinagpis kapag dumating sa iyo ang pagdaramdam
na gaya ng hirap ng isang babaing nanganganak!”
Ang Hatol ng Diyos kay Conias
24“Habang#2 Ha. 24:8-15; 2 Cro. 36:9, 10 ako'y buháy, sabi ng Panginoon, kahit pa si Conias na anak ni Jehoiakim na hari ng Juda ay maging singsing na pantatak sa aking kanang kamay, gayunma'y bubunutin kita,
25at ibibigay kita sa kamay ng mga tumutugis sa iyong buhay, oo, sa kamay ng iyong mga kinatatakutan, maging sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo.
26Itatapon kita at ang iyong ina na nagsilang sa iyo sa ibang lupain na hindi ninyo sinilangan, at doon kayo mamamatay.
27Ngunit sa lupain na kasasabikan nilang balikan, hindi sila makakabalik doon.”
28Ito bang lalaking si Conias ay isang hamak na basag na palayok?
O siya ba'y isang sisidlang hindi kanais-nais?
Bakit siya at ang kanyang mga anak ay itinatapon,
at inihahagis sa lupaing hindi nila kilala?
29O lupa, lupa, lupa,
pakinggan mo ang salita ng Panginoon!
30Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Isulat ninyo ang lalaking ito bilang walang anak,
isang lalaki na hindi magtatagumpay sa kanyang mga araw;
sapagkat walang sinuman sa kanyang mga supling ang magtatagumpay
na luluklok sa trono ni David,
at maghahari pang muli sa Juda.”
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 22: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001