JEREMIAS 21
21
Hinulaan ang Pagkawasak ng Jerusalem
1Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, nang suguin sa kanya ni Haring Zedekias si Pashur na anak ni Malkias, at si Sefanias na anak ng paring si Maasias, na sinasabi,
2“Isangguni#2 Ha. 25:1-11; 2 Cro. 36:17-21 mo kami sa Panginoon sapagkat si Nebukadnezar na hari ng Babilonia ay nakikipagdigma laban sa amin. Marahil ang Panginoon ay gagawa sa amin ng ayon sa lahat niyang kahanga-hangang gawa, at kanyang pauurungin siya mula sa amin.”
3At sinabi ni Jeremias sa kanila,
4“Ganito ang inyong sasabihin kay Zedekias: ‘Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel. Ibabalik ko ang mga sandatang pandigma na nasa inyong mga kamay, na inyong ginagamit sa pakikipaglaban sa hari ng Babilonia, at laban sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo sa labas ng mga pader. Aking titipunin ang mga iyon sa gitna ng lunsod na ito.
5Ako mismo ang lalaban sa inyo na may nakaunat na kamay at malakas na bisig, sa galit, sa bagsik, at sa matinding poot.
6At pupuksain ko ang mga naninirahan sa lunsod na ito, ang tao at ang hayop: sila'y mamamatay sa matinding salot.
7At pagkatapos, sabi ng Panginoon, ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda, at ang kanyang mga lingkod, at ang mga tao sa lunsod na ito na nakaligtas sa salot, sa tabak, at sa taggutom, sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia at sa kamay ng kanilang mga kaaway, sa kamay ng mga tumutugis sa kanilang buhay. Kanyang papatayin sila ng talim ng tabak; sila'y hindi niya kahahabagan, o patatawarin man, o kaaawaan man.’
8“At sa sambayanang ito ay sasabihin mo: ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Inilalagay ko sa harapan ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan.
9Ang mananatili sa lunsod na ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng gutom, at ng salot; ngunit ang lumabas at sumuko sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo ay mabubuhay, at tataglayin ang kanyang buhay bilang gantimpala sa digmaan.
10Sapagkat iniharap ko ang aking mukha laban sa lunsod na ito para sa kasamaan at hindi sa kabutihan, sabi ng Panginoon. Ito'y ibibigay sa kamay ng hari ng Babilonia, at kanyang susunugin ito ng apoy.’
Ang Juda ay Binabalaan tungkol sa Paghatol nang Hindi Matuwid
11“At sabihin mo sa sambahayan ng hari ng Juda, ‘Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.
12O sambahayan ni David! Ganito ang sabi ng Panginoon,
“‘Maggawad ka ng katarungan sa bawat umaga,
at iligtas mo ang nanakawan mula sa kamay ng mapang-api,
upang ang aking poot ay hindi lumabas na parang apoy,
at susunog na walang makakapatay,
dahil sa inyong masasamang gawa!’”
13“Narito, ako'y laban sa iyo, O naninirahan sa libis,
O bato ng kapatagan, sabi ng Panginoon;
kayong nagsasabi, ‘Sinong bababang laban sa atin?
o sinong papasok sa ating mga tirahan?’
14Ngunit parurusahan ko kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon;
ako'y magpapaningas ng apoy sa kanyang gubat,
at lalamunin nito ang lahat ng nasa kanyang palibot.”
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 21: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001