Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 18:1-6

JEREMIAS 18:1-6 ABTAG01

Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa PANGINOON, na sinasabi, “Tumindig ka, bumaba ka sa bahay ng magpapalayok, at doo'y iparirinig ko sa iyo ang aking mga salita.” Kaya't bumaba ako sa bahay ng magpapalayok, at naroon siya na gumagawa sa kanyang gulong na panggawa. At ang sisidlan na kanyang ginagawa mula sa luwad ay nasira sa kamay ng magpapalayok, at muli niya itong ginawa upang maging panibagong sisidlan, ayon sa ikinasiya na gawin ng magpapalayok. Pagkatapos ay dumating sa akin ang salita ng PANGINOON, na sinasabi, “O sambahayan ng Israel, hindi ko ba magagawa sa inyo ang gaya ng ginawa ng magpapalayok na ito? sabi ng PANGINOON. Gaya ng putik sa kamay ng magpapalayok, gayon kayo sa kamay ko, O sambahayan ng Israel.