Jeremias 18:1-6
Jeremias 18:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Magpunta ka sa bahay ng magpapalayok, at may ipahahayag ako sa iyo.” Kaya nagpunta naman ako, at dinatnan ko ang magpapalayok sa kanyang gawaan. Kapag ang ginagawa niyang palayok ay nasira, hinahalo niyang muli ang putik, at hinuhugisan nang panibago. Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “O Israel, wala ba akong karapatang gawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y nasa mga kamay ko, tulad ng putik sa kamay ng magpapalayok.
Jeremias 18:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi pa sa akin ng PANGINOON, “Pumunta ka sa bahay ng magpapalayok at doon ko sasabihin sa iyo ang nais kong sabihin.” Kaya pumunta ako sa bahay ng magpapalayok at nakita ko na gumagawa siya ng palayok. Kapag hindi maganda ang hugis ng palayok na ginagawa niya, inuulit niya ito hanggang sa magustuhan niya ang hugis. Pagkatapos, sinabi sa akin ng PANGINOON, “O mga mamamayan ng Israel, hindi ko ba magagawa sa inyo ang ginawa ng magpapalayok sa luwad na ito? Kung papaanong ang luwad ay nasa kamay ng magpapalayok, kayo rin ay nasa mga kamay ko.
Jeremias 18:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, na nagsasabi, Ikaw ay bumangon, at bumaba sa bahay ng magpapalyok, at aking iparirinig sa iyo ang aking mga salita roon. Nang magkagayo'y bumaba ako sa bahay ng magpapalyok, at, narito, siya'y gumagawa ng kaniyang gawa sa pamamagitan ng mga gulong. At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa, ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan, na minagaling na gawin ng magpapalyok. Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito? sabi ng Panginoon. Narito, kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok, gayon kayo sa kamay ko, Oh sangbahayan ni Israel.
Jeremias 18:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Magpunta ka sa bahay ng magpapalayok, at may ipahahayag ako sa iyo.” Kaya nagpunta naman ako, at dinatnan ko ang magpapalayok sa kanyang gawaan. Kapag ang ginagawa niyang palayok ay nasira, hinahalo niyang muli ang putik, at hinuhugisan nang panibago. Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “O Israel, wala ba akong karapatang gawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y nasa mga kamay ko, tulad ng putik sa kamay ng magpapalayok.
Jeremias 18:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)