Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 9:2-6

ISAIAS 9:2-6 ABTAG01

Ang bayan na lumakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman, sa kanila sumikat ang liwanag. Iyong pinarami ang bansa, iyong pinarami ang kanilang kagalakan. Sila'y nagagalak sa harap mo gaya ng kagalakan sa pag-aani, gaya ng mga tao na nagagalak kapag kanilang pinaghahatian ang samsam. Sapagkat ang pamatok na kanyang pasan, at ang pingga sa kanyang balikat, ang panghampas ng nagpapahirap sa kanya, ay iyong sinira na gaya sa araw ng Midian. Sapagkat lahat ng sandalyas ng naglalakad na mandirigma, at ang mga kasuotang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong para sa apoy. Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging “Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.”