Isaias 9:2-6
Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim. Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Nagagalak sila na parang panahon ng anihan, at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan. Sapagkat binali mo ang pamatok ng kahirapan at mga bigatin sa kanilang balikat ay pinasan. Pamalo ng mga mang-aapi, iyong binali tulad sa Midian na iyong ginapi. Ang panyapak ng mga mandirigma, at ang lahat ng kasuotang tigmak sa dugo ay susunugin. Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Isaias 9:2-6