“Sapagkat narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit at bagong lupa; at ang mga dating bagay ay hindi na maaalala, o darating man sa isipan. Ngunit kayo'y matuwa at magalak magpakailanman sa aking nilikha; sapagkat, aking nililikha ang Jerusalem na isang kagalakan, at ang kanyang bayan na isang kaluguran. Ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligayahan sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kanya, o ang tinig man ng daing. Hindi na magkakaroon doon ng sanggol na nabuhay lamang ng ilang araw, o ng matanda man na hindi nalubos ang kanyang mga araw; sapagkat ang kabataan ay mamamatay na may isandaang taong gulang, at susumpain ang taong hindi makaabot sa isandaang taong gulang. At sila'y magtatayo ng mga bahay at kanilang titirahan ang mga iyon; at sila'y magtatanim ng ubasan at kakain ng bunga niyon. Sila'y hindi magtatayo at iba ang titira, sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagkat gaya ng mga araw ng punungkahoy, ay magiging gayon ang mga araw ng aking bayan, at matagal na tatamasahin ng aking pinili ang gawa ng kanilang mga kamay. Sila'y hindi gagawa nang walang kabuluhan, o manganganak man para sa kapahamakan, sapagkat sila ang magiging supling ng mga pinagpala ng PANGINOON, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
Basahin ISAIAS 65
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 65:17-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas