Isaias 65:17-23
Isaias 65:17-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na. Kaya magalak kayo at magdiwang ng walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan. Magagalak ako sa Jerusalem at sa kanyang mga mamamayan. Hindi na maririnig doon ang iyakan at paghingi ng tulong o mga pagdaing. Doon ay walang mamamatay na sanggol o bata pa. Ang sinumang mamamatay sa gulang na 100 taon ay bata pa, at ang mamamatay nang hindi pa umaabot sa 100 taon ay ituturing na pinarusahan ko. Sa mga panahong iyon, magtatayo ang aking mga mamamayan ng mga bahay at titirhan nila ito. Magtatanim sila ng mga ubas at sila rin ang aani ng mga bunga nito. Hindi na ang mga kaaway nila ang makikinabang sa kanilang mga bahay at mga tanim. Sapagkat kung papaanong ang punongkahoy ay nabubuhay nang matagal, ganoon din ang aking mga mamamayan at lubos nilang pakikinabangan ang kanilang pinaghirapan. Hindi sila magtatrabaho nang walang pakinabang at ang kanilang mga anak ay hindi daranas ng kamalasan. Sapagkat silaʼy mga taong pinagpapala ng PANGINOON. At ang kanilang mga anak ay kasama nilang pinagpala.
Isaias 65:17-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan. Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan. Ako mismo'y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man. Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal. Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na, at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa. Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan, magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani. Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira. Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang. Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran. Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga, at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila; pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa.
Isaias 65:17-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing. Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain. At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon. Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay. Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
Isaias 65:17-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Isaias 65:17-23 Ang Biblia (TLAB)