At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, “Sinong susuguin ko, at sinong hahayo para sa atin?” Nang magkagayo'y sinabi ko, “Narito ako; suguin mo ako!” At sinabi niya, “Ikaw ay humayo, at sabihin mo sa bayang ito: ‘Patuloy kayong makinig, ngunit huwag ninyong unawain; patuloy ninyong tingnan, ngunit huwag ninyong alamin!’ Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pandinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y makakita ng kanilang mga mata, at makarinig ng kanilang mga tainga, at makaunawa ng kanilang puso, at magbalik-loob, at magsigaling.” Nang magkagayo'y sinabi ko, “O Panginoon, hanggang kailan?” At siya'y sumagot: “Hanggang sa ang mga lunsod ay magiba na walang naninirahan, at ang mga bahay ay mawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na mawasak, at ilayo ng PANGINOON ang mga tao, at ang mga pinabayaang dako ay marami sa gitna ng lupain. At bagaman magkaroon ng ikasampung bahagi roon, muli itong susunugin, gaya ng isang roble o isang ensina, na ang tuod ay nananatiling nakatayo kapag ito ay pinuputol.” Ang banal na binhi ang siyang tuod niyon.
Basahin ISAIAS 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 6:8-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas