Isaias 6:8-13
Isaias 6:8-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?” Sumagot ako, “Narito po ako; ako ang inyong isugo!” At sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga tao: ‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa; tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’ Papurulin mo ang kanilang kaisipan, kanilang pandinig iyo ring takpan, bulagin mo sila upang hindi makakita, upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa. Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa.” Itinanong ko: “Hanggang kailan po, Panginoon?” Ganito ang sagot niya: “Hanggang ang mga lunsod ay mawasak at mawalan ng tao, hanggang sa wala nang nakatira sa mga tahanan, at ang lupain ay matiwangwang; hanggang sa ang mga tao'y itapon ni Yahweh sa malayong lugar, at ang malawak na lupain ay wala nang pakinabang. Matira man ang ikasampung bahagi ng mga tao, sila rin ay mapupuksa, parang pinutol na puno ng ensina, na tuod lamang ang natira. Ang tuod na iyan ay tanda ng isang bagong simula para sa bayan ng Diyos.”
Isaias 6:8-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.” Sinabi niya, “Umalis ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi rin kayo makakaunawa. Tumingin man kayo nang tumingin, hindi rin kayo makakakita!’ ” Sinabi pa niya, “Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mo silang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, dahil baka makarinig sila, makakita, at makaunawa. Dahil kung makaunawa sila, magbabalik-loob sila sa akin, at gagaling.” Nagtanong ako, “Panginoon, gaano katagal?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod ng Israel at wala nang manirahan dito. Hanggang sa wala nang tumira sa mga bahay at ang lupain ay maging tiwangwang at wasak. Hanggang sa palayasin ko ang mga Israelita at ang lupain nila ay mapabayaan na. Kahit maiwan pa ang ikasampung bahagi ng mga Israelita sa lupain ng Israel, lilipulin pa rin sila. Pero may mga pinili akong matitira sa kanila. Ang katulad nilaʼy tuod ng pinutol na punong ensina.”
Isaias 6:8-13 Ang Biblia (TLAB)
At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako. At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas. Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling. Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba, At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain. At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon.
Isaias 6:8-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?” Sumagot ako, “Narito po ako; ako ang inyong isugo!” At sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga tao: ‘Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa; tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’ Papurulin mo ang kanilang kaisipan, kanilang pandinig iyo ring takpan, bulagin mo sila upang hindi makakita, upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa. Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa.” Itinanong ko: “Hanggang kailan po, Panginoon?” Ganito ang sagot niya: “Hanggang ang mga lunsod ay mawasak at mawalan ng tao, hanggang sa wala nang nakatira sa mga tahanan, at ang lupain ay matiwangwang; hanggang sa ang mga tao'y itapon ni Yahweh sa malayong lugar, at ang malawak na lupain ay wala nang pakinabang. Matira man ang ikasampung bahagi ng mga tao, sila rin ay mapupuksa, parang pinutol na puno ng ensina, na tuod lamang ang natira. Ang tuod na iyan ay tanda ng isang bagong simula para sa bayan ng Diyos.”
Isaias 6:8-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako. At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, Inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas. Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling. Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba, At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain. At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon.