Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 41:8-13

ISAIAS 41:8-13 ABTAG01

Ngunit ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob, na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; ikaw na aking kinuha mula sa mga dulo ng lupa, at tinawag kita mula sa mga pinakamalayong sulok niyon, na sinasabi sa iyo, “Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil”; huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo, huwag kang mabalisa, sapagkat ako'y Diyos mo; aking palalakasin ka, oo, ikaw ay aking tutulungan; oo, ikaw ay aking aalalayan ng kanang kamay ng aking katuwiran. Narito, silang lahat na nagagalit sa iyo ay mapapahiya at malilito: silang nakikipaglaban sa iyo ay mawawalan ng kabuluhan at mapapahamak. Iyong hahanapin sila na nakikipaglaban sa iyo, ngunit hindi mo sila matatagpuan; silang nakikipagdigma laban sa iyo ay matutulad sa wala. Sapagkat ako, ang PANGINOON mong Diyos, ang humahawak ng iyong kanang kamay; ako na nagsasabi sa iyo, “Huwag kang matakot, ikaw ay aking tutulungan.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ISAIAS 41:8-13