huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo, huwag kang mabalisa, sapagkat ako'y Diyos mo; aking palalakasin ka, oo, ikaw ay aking tutulungan; oo, ikaw ay aking aalalayan ng kanang kamay ng aking katuwiran. Narito, silang lahat na nagagalit sa iyo ay mapapahiya at malilito: silang nakikipaglaban sa iyo ay mawawalan ng kabuluhan at mapapahamak. Iyong hahanapin sila na nakikipaglaban sa iyo, ngunit hindi mo sila matatagpuan; silang nakikipagdigma laban sa iyo ay matutulad sa wala. Sapagkat ako, ang PANGINOON mong Diyos, ang humahawak ng iyong kanang kamay; ako na nagsasabi sa iyo, “Huwag kang matakot, ikaw ay aking tutulungan.” Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga lalaki ng Israel! aking tutulungan ka, sabi ng PANGINOON, ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.
Basahin ISAIAS 41
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ISAIAS 41:10-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas