Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 41:10-13

ISAIAS 41:10-13 ABTAG01

huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo, huwag kang mabalisa, sapagkat ako'y Diyos mo; aking palalakasin ka, oo, ikaw ay aking tutulungan; oo, ikaw ay aking aalalayan ng kanang kamay ng aking katuwiran. Narito, silang lahat na nagagalit sa iyo ay mapapahiya at malilito: silang nakikipaglaban sa iyo ay mawawalan ng kabuluhan at mapapahamak. Iyong hahanapin sila na nakikipaglaban sa iyo, ngunit hindi mo sila matatagpuan; silang nakikipagdigma laban sa iyo ay matutulad sa wala. Sapagkat ako, ang PANGINOON mong Diyos, ang humahawak ng iyong kanang kamay; ako na nagsasabi sa iyo, “Huwag kang matakot, ikaw ay aking tutulungan.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya