Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 40:12-17

ISAIAS 40:12-17 ABTAG01

Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kanyang kamay, at sumukat sa langit ng sa pamamagitan ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga timbangan, at ng mga burol sa timbangan? Sinong pumatnubay sa Espiritu ng PANGINOON, o bilang kanyang tagapayo ay nagturo sa kanya? Kanino siya humingi ng payo upang maliwanagan, at nagturo sa kanya sa landas ng katarungan, at nagturo sa kanya ng kaalaman, at nagpakilala sa kanya ng daan ng pagkaunawa? Masdan mo, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, itinuturing na parang alabok sa timbangan; masdan mo, kanyang itinataas ang mga pulo na parang pinong alabok. Ang Lebanon ay hindi sapat upang maging panggatong, ni ang mga hayop niyon ay sapat na handog na sinusunog. Lahat ng mga bansa ay parang walang anuman sa harap niya; kanyang itinuring ang mga ito na mas kulang pa sa wala at walang laman.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ISAIAS 40:12-17