At magkakaroon doon ng lansangan, isang daanan, at ito'y tatawaging ang Daan ng Kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; ngunit ito'y para sa kanya na lumalakad sa daang iyon, at ang mga hangal ay hindi maliligaw roon. Hindi magkakaroon ng leon doon, o sasampa man doon ang anumang mabangis na hayop; hindi sila matatagpuan doon, kundi ang mga tinubos ay lalakad doon. At ang mga tinubos ng PANGINOON ay magbabalik, at darating sa Zion na nag-aawitan; walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo; sila'y magtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kalungkutan at ang pagbubuntong-hininga ay maglalaho.
Basahin ISAIAS 35
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 35:8-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas