Isaias 35:8-10
Isaias 35:8-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan, na tatawaging Landas ng Kabanalan. Sa landas na ito ay hindi makakaraan, ang mga makasalanan at mga hangal. Walang leon o mabangis na hayop na makakapasok doon; ito'y para lamang sa mga tinubos. Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh na masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.
Isaias 35:8-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makararaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng PANGINOON. Walang leon o anumang mababangis na hayop na makakaraan doon kundi ang mga tinubos lamang ng PANGINOON. Babalik sila sa Zion na umaawit. Mawawala na ang kanilang kalungkutan at pagdadalamhati, at mapapalitan na ng walang hanggang kaligayahan.
Isaias 35:8-10 Ang Biblia (TLAB)
At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon. Hindi magkakaroon ng leon doon, o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon. At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam.
Isaias 35:8-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan, na tatawaging Landas ng Kabanalan. Sa landas na ito ay hindi makakaraan, ang mga makasalanan at mga hangal. Walang leon o mabangis na hayop na makakapasok doon; ito'y para lamang sa mga tinubos. Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh na masiglang umaawit ng pagpupuri. Paghaharian sila ng kaligayahan. Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.
Isaias 35:8-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)