Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 35:1-2

ISAIAS 35:1-2 ABTAG01

Ang ilang at ang tuyong lupa ay magagalak, at ang disyerto ay magagalak at mamumulaklak; gaya ng rosas, ito ay mamumulaklak nang sagana, at magsasaya na may kagalakan at awitan. Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay rito, ang karilagan ng Carmel at ng Sharon. Kanilang makikita ang kaluwalhatian ng PANGINOON, ang karilagan ng ating Diyos.