Isaias 35:1-2
Isaias 35:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang; mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto. Ang disyerto ay aawit sa tuwa, ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon. Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh.
Isaias 35:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak ang mga halaman dito. Aawit at sisigaw ito sa tuwa, at mamumukadkad ang maraming bulaklak nito. Magiging maganda ito katulad ng Bundok ng Lebanon, at mamumunga ito nang sagana katulad ng kapatagan ng Carmel at Sharon. At mahahayag dito ang kapangyarihan at kadakilaan ng PANGINOON na ating Dios.
Isaias 35:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa. Mamumulaklak ng sagana, at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.
Isaias 35:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang; mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto. Ang disyerto ay aawit sa tuwa, ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon. Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh.
Isaias 35:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)