Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 28:11-13

ISAIAS 28:11-13 ABTAG01

Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga utal na labi at ng ibang wika ay magsasalita ang PANGINOON sa bayang ito, na sa kanya'y sinabi niya, “Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo ang pagod; at ito ang kaginhawahan;” gayunma'y hindi nila pinakinggan. Kaya't ang salita ng PANGINOON ay magiging sa kanila'y tuntunin sa tuntunin, tuntunin sa tuntunin, bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y makahayo, at umatras, at mabalian, at masilo, at mahuli.