Isaias 28:11-13
Isaias 28:11-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang ito sa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo. Ganito ang kanyang sasabihin: “Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,” ngunit hindi nila ito pinakinggan. Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila: “Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang aralin;” at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal, mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.
Isaias 28:11-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dahil sa ayaw nilang makinig, makikipag-usap ang PANGINOON sa mga taong ito sa pamamagitan ng mga dayuhang iba ang wika. Ito ang sasabihin niya, “Mararanasan ninyo ang kapahingahan sa inyong lupain.” Pero ayaw pa rin nilang makinig. Kung kaya, tuturuan sila ng PANGINOON ng paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin. At sa paglalakad nilaʼy mabubuwal sila, masusugatan, mabibitag, at mahuhuli.
Isaias 28:11-13 Ang Biblia (TLAB)
Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito. Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan. Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.
Isaias 28:11-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang ito sa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo. Ganito ang kanyang sasabihin: “Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,” ngunit hindi nila ito pinakinggan. Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila: “Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang aralin;” at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal, mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.
Isaias 28:11-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)