Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 26:1-11

ISAIAS 26:1-11 ABTAG01

Sa araw na iyon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda, “Tayo ay may matibay na lunsod; kanyang inilalagay ang kaligtasan bilang mga pader at tanggulan. Buksan ninyo ang mga pintuan, upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng katotohanan. Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa iyo, sapagkat siya'y nagtitiwala sa iyo. Magtiwala kayo sa PANGINOON magpakailanman, sapagkat ang Panginoong DIYOS ay isang batong walang hanggan. Sapagkat ibinaba niya ang mga naninirahan sa kaitaasan, ang mapagmataas na lunsod. Kanyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa; ibinagsak ito hanggang sa alabok. Niyayapakan ito ng paa, ng mga paa ng dukha, ng mga hakbang ng nangangailangan.” Ang daan ng matuwid ay patag, iyong pinakinis ang landas ng matuwid. Sa daan ng iyong mga hatol, O PANGINOON, naghihintay kami sa iyo; ang pangalan ng iyong alaala ay siyang nasa ng aming kaluluwa. Kinasasabikan ka sa gabi ng kaluluwa ko, ang espiritu sa loob ko ay masikap na naghahanap sa iyo. Sapagkat kapag nasa lupa ang mga hatol mo, ang mga naninirahan sa sanlibutan sa katuwiran ay natututo. Kapag nagpapakita ng lingap sa masama, hindi siya matututo ng katuwiran; sa lupain ng katuwiran ay nakikitungo siya na may kasamaan, at hindi nakikita ang sa PANGINOON na kamahalan. PANGINOON, ang iyong kamay ay nakataas, gayunma'y hindi nila nakikita. Ipakita mo ang iyong sigasig para sa bayan, at sila'y mapapahiya; lamunin nawa sila ng apoy na para sa iyong mga kaaway.