Isaias 26:1-11
Isaias 26:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa araw na iyo'y ganito ang aawitin sa Juda: “Matatag na ang ating lunsod; si Yahweh ang magtatanggol sa atin at magbibigay ng tagumpay. Buksan ang pintuan, at hayaang pumasok ang matuwid na bansa na laging tapat. Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan. Ibinababâ niya ang mga nasa itaas; ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan; hanggang maging alabok ang mga pader nito. Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak; at ginagawang tuntungan ng mahihirap.” Patag ang daan ng taong matuwid, at ikaw, O Yahweh ang dito'y pumatag. Sinusunod namin ang mga kautusan mo; ikaw lamang ang aming inaasahan. Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa, nangungulila sa iyo ang aking espiritu. Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig, malalaman nila kung ano ang matuwid. Kahit mahabag ka sa taong masama, hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat; kahit na kasama siya ng bayang matuwid, kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin. Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin. Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa, upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.
Isaias 26:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda: Matatag na ang ating lungsod! Ang Pagliligtas ng Dios ay parang pader na nakapalibot sa atin. Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa PANGINOON. PANGINOON, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo. Magtiwala kayong lagi sa PANGINOON, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman. Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas. Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa. At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi. Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, PANGINOONG matuwid, ang nagpatag nito. PANGINOON, sinunod namin ang inyong mga utos, at nagtiwala kami sa inyo. Hangad namin na kayo ay aming maparangalan. Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid. Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasama, hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid. Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid, patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama, at hindi nila kinikilala ang inyong kapangyarihan. PANGINOON, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila, pero hindi nila alam. Ipaalam nʼyo sa kanila, PANGINOON. Ilagay nʼyo po sila sa kahihiyan. Ipakita nʼyo sa kanila kung gaano nʼyo kamahal ang iyong mga mamamayan. Lipulin nʼyo po sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.
Isaias 26:1-11 Ang Biblia (TLAB)
Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan. Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan. Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo. Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato. Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok. Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan. Ang daan ng ganap ay katuwiran: ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap. Oo, sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa. Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan. Magpakita man ng awa sa masama, hindi rin siya matututo ng katuwiran; sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon. Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.
Isaias 26:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa araw na iyo'y ganito ang aawitin sa Juda: “Matatag na ang ating lunsod; si Yahweh ang magtatanggol sa atin at magbibigay ng tagumpay. Buksan ang pintuan, at hayaang pumasok ang matuwid na bansa na laging tapat. Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan. Ibinababâ niya ang mga nasa itaas; ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan; hanggang maging alabok ang mga pader nito. Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak; at ginagawang tuntungan ng mahihirap.” Patag ang daan ng taong matuwid, at ikaw, O Yahweh ang dito'y pumatag. Sinusunod namin ang mga kautusan mo; ikaw lamang ang aming inaasahan. Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa, nangungulila sa iyo ang aking espiritu. Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig, malalaman nila kung ano ang matuwid. Kahit mahabag ka sa taong masama, hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat; kahit na kasama siya ng bayang matuwid, kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin. Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin. Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa, upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.
Isaias 26:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)