HOSEAS 9
9
Ang Parusa sa Patuloy na Pagtataksil ng Israel
1Huwag kang magalak, O Israel!
Huwag kang matuwa, na gaya ng ibang mga bayan;
sapagkat ikaw ay naging bayarang babae,#9:1 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. tinalikuran mo ang iyong Diyos;
iyong inibig ang bayad sa bayarang babae
sa ibabaw ng lahat ng giikan.
2Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila,
at ang bagong alak ay kukulangin sa kanya.
3Sila'y hindi mananatili sa lupain ng Panginoon;
kundi ang Efraim ay babalik sa Ehipto,
at sila'y kakain ng maruming pagkain sa Asiria.
4Hindi sila magbubuhos ng inuming handog sa Panginoon,
ni makalulugod man sa kanya ang kanilang mga alay.
Ang kanilang mga handog ay magiging parang tinapay ng nagluluksa;
lahat ng kumakain niyon ay madudungisan;
sapagkat ang kanilang tinapay ay para lamang sa kanilang gutom;
hindi iyon papasok sa bahay ng Panginoon.
5Ano ang inyong gagawin sa araw ng takdang kapulungan,
at sa araw ng kapistahan ng Panginoon?
6Sapagkat, narito, sila'y nakatakas mula sa pagkawasak,
gayunma'y titipunin sila ng Ehipto,
sila'y ililibing ng Memfis;
ang kanilang mahahalagang bagay na pilak ay aariin ng dawag;
magkakaroon ng mga tinik ang kanilang mga tolda.
7Ang#Lu. 21:22 mga araw ng pagpaparusa ay dumating na,
sumapit na ang mga araw ng paniningil;
hayaang malaman iyon ng Israel.
Ang propeta ay hangal,
ang lalaking may espiritu ay ulol,
dahil sa iyong malaking kasamaan,
at malaking poot.
8Ang propeta ang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos,
gayunma'y nasa lahat ng kanyang daan ang bitag ng manghuhuli,
at ang pagkamuhi ay nasa bahay ng kanyang Diyos.
9Pinasama#Huk. 19:1-30 nila nang lubusan ang kanilang mga sarili.
na gaya nang mga araw ng Gibea;
kanyang aalalahanin ang kanilang kasamaan,
kanyang parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.
Ang Kasalanan ng Israel at mga Bunga Nito
10Aking#Bil. 25:1-5 natagpuan ang Israel na parang ubas sa ilang.
Aking nakita ang inyong mga magulang
na parang unang bunga sa puno ng igos
sa kanyang unang kapanahunan.
Ngunit sila'y pumaroon kay Baal-peor,
at itinalaga ang kanilang sarili sa kahihiyan,
at naging kasuklamsuklam na gaya ng bagay na kanilang inibig.
11Ang kaluwalhatian ng Efraim, ay lilipad papalayo na parang ibon;
walang panganganak, walang pagbubuntis, at walang paglilihi!
12Kahit magpalaki pa sila ng mga anak,
aalisan ko sila ng anak hanggang walang matira.
Oo, kahabag-habag sila
kapag ako'y humiwalay sa kanila!
13Ang Efraim, gaya nang aking makita ang Tiro, na natatanim sa magandang dako,
ngunit ilalabas ng Efraim ang kanyang mga anak sa katayan.
14Bigyan mo sila, O Panginoon—anong iyong ibibigay?
Bigyan mo sila ng mga sinapupunang maaagasan
at ng mga tuyong suso.
Hinatulan ng Panginoon ang Efraim
15Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal;
doo'y nagsimula kong kapootan sila.
Dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa,
palalayasin ko sila sa aking bahay.
Hindi ko na sila iibigin;
lahat ng kanilang pinuno ay mga mapanghimagsik.
16Ang Efraim ay nasaktan,
ang kanilang ugat ay natuyo,
sila'y hindi magbubunga.
Kahit sila'y manganak,
aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang sinapupunan.
Nagsalita ang Propeta tungkol sa Israel
17Itatakuwil sila ng aking Diyos,
sapagkat hindi sila nakinig sa kanya;
at sila'y magiging mga palaboy sa gitna ng mga bansa.
Kasalukuyang Napili:
HOSEAS 9: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001