Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HOSEAS 10

10
1Ang Israel ay isang mayabong na baging na namumunga.
Habang dumarami ang kanyang bunga,
dumarami rin ang mga itinatayo niyang dambana;
kung paanong bumubuti ang kanyang lupain
ay gayon niya pinabubuti ang mga haligi niya.
2Ang kanilang puso ay di-tapat;
ngayo'y dapat nilang pasanin ang kanilang kasalanan.
Ibabagsak ng Panginoon ang kanilang mga dambana,
at wawasakin ang kanilang mga haligi.
3Sapagkat ngayo'y kanilang sasabihin,
“Wala kaming hari;
sapagkat hindi kami natatakot sa Panginoon;
at ang hari, ano ang magagawa niya para sa amin?”
4Sila'y bumibigkas ng mga salita lamang;
sa pamamagitan ng mga hungkag na panata ay gumagawa sila ng mga tipan;
kaya't ang paghatol ay sumisibol tulad ng damong nakalalason
sa mga lupang binungkal sa bukid.
5Ang mga naninirahan sa Samaria ay nanginginig
dahil sa mga guya ng Bet-haven.
Sapagkat ang taong-bayan niyon ay magluluksa doon,
at ang mga paring sumasamba sa diyus-diyosan niyon ay mananangis#10:5 Sa Hebreo ay magdiriwang. doon,
dahil sa kaluwalhatian niyon na nawala roon.
6Dadalhin mismo ang bagay na iyon sa Asiria,
bilang kaloob sa Haring Jareb.
Ang Efraim ay ilalagay sa kahihiyan,
at ikahihiya ng Israel ang kanyang sariling payo.
7Ang hari ng Samaria ay mapapahamak,
na parang bula sa ibabaw ng tubig.
8Ang#Lu. 23:30; Apoc. 6:16 matataas na dako ng Aven, ang kasalanan ng Israel
ay mawawasak.
Ang mga tinik at mga dawag ay tutubo
sa kanilang mga dambana;
at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami;
at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9O#Huk. 19:1-30 Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga araw ng Gibea;
doon sila ay nagpatuloy.
Hindi ba sila aabutan ng digmaan sa Gibea?
10Ako'y darating laban sa masasamang tao upang parusahan sila;
at ang mga bansa ay titipunin laban sa kanila,
kapag sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11Ang Efraim ay isang turuan na dumalagang baka,
na mahilig gumiik,
at aking iniligtas ang kanyang magandang leeg;
ngunit ilalagay ko ang Efraim sa pamatok,
ang Juda ay dapat mag-araro,
dapat hilahin ng Jacob ang kanyang pansuyod.
12Maghasik#Jer. 4:3 kayo para sa inyong sarili ng katuwiran;
mag-ani kayo ng bunga ng kabutihang loob;
bungkalin ninyo ang inyong tiwangwang na lupa,
sapagkat panahon nang hanapin ang Panginoon,
upang siya'y dumating at magpaulan ng katuwiran sa inyo.
13Kayo'y nag-araro ng kasamaan,
kayo'y nag-ani ng walang katarungan;
kayo'y nagsikain ng bunga ng kasinungalingan.
Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa iyong lakad,
at sa dami ng iyong mga mandirigma.
14Kaya't babangon ang kaguluhan ng digmaan sa iyong mga taong-bayan,
at lahat ng iyong mga muog ay magigiba,
gaya ni Salman na giniba ang Bet-arbel sa araw ng paglalaban:
ang mga ina ay pinagluray-luray na kasama ng kanilang mga anak.
15Gayon ang gagawin sa inyo, O Bethel,
dahil sa inyong malaking kasamaan.
Sa pagbubukang-liwayway, ang hari ng Israel
ay pupuksain.

Kasalukuyang Napili:

HOSEAS 10: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in