Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HEBREO 3:6-10

HEBREO 3:6-10 ABTAG01

Subalit si Cristo ay tapat sa bahay ng Diyos, bilang isang anak, at tayo ang bahay na iyon kung ating iingatang matibay hanggang sa katapusan ang ating pagtitiwala at pagmamalaki sa ating pag-asa. Kaya't gaya ng sinasabi ng Espiritu Santo, “Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso gaya ng sa paghihimagsik, gaya ng sa araw ng pagsubok sa ilang, na doon ay sinubok ako ng inyong mga ninuno, bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng apatnapung taon. Kaya't nagalit ako sa lahing ito, at aking sinabi, ‘Sila'y laging naliligaw sa kanilang puso, at hindi nila nalaman ang aking mga daan.’