Mga Hebreo 3:6-10
Mga Hebreo 3:6-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang, Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa. Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan
Mga Hebreo 3:6-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kaya't matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya. Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno doon sa ilang, nang subukin nila ako. Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang, bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin, ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’
Mga Hebreo 3:6-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit si Cristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Dios. At tayo ang pamilya ng Dios, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin. Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo, tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo. Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang. Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon. Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko, “Laging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.”
Mga Hebreo 3:6-10 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang, Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa. Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan
Mga Hebreo 3:6-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)