Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hebreo 3:6-10

Hebreo 3:6-10 ASND

Ngunit si Cristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Dios. At tayo ang pamilya ng Dios, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin. Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo, tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo. Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang. Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon. Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko, “Laging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.”