Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HEBREO 10:16-18

HEBREO 10:16-18 ABTAG01

“Ito ang tipan na aking gagawin sa kanila, pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon; ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip,” sinabi rin niya, “At ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.” Kung saan may kapatawaran ng mga ito, ay wala ng pag-aalay para sa kasalanan.