Mga Hebreo 10:16-18
Mga Hebreo 10:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.” Pagkatapos ay sinabi pa niya, “Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.” Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
Mga Hebreo 10:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
“ ‘Ganito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa kanila sa darating na panahon,’ sabi ng Panginoon: ‘Ilalagay ko ang aking mga utos sa puso nila at itatanim ko ang mga ito sa kanilang isipan.’ ” Dagdag pa niya, “Tuluyan ko nang lilimutin ang mga kasalanan at kasamaan nila.” At dahil napatawad na ang mga kasalanan natin, hindi na natin kailangan pang maghandog para sa ating mga kasalanan.
Mga Hebreo 10:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip; At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa. At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.
Mga Hebreo 10:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.” Pagkatapos ay sinabi pa niya, “Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.” Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
Mga Hebreo 10:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)