ayon sa pangako na aking sinabi sa inyo nang kayo'y lumabas sa Ehipto. Ang aking Espiritu ay naninirahan sa inyo. Huwag kayong matakot. Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo: Minsan pa, sa sandaling panahon, aking uugain ang langit at ang lupa, ang dagat at ang tuyong lupa. Aking uugain ang lahat ng mga bansa upang ang kayamanan ng lahat ng mga bansa ay dumating, at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Akin ang pilak at akin ang ginto, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Ang susunod na kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging higit na dakila kaysa dati, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo.’”
Basahin HAGAI 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: HAGAI 2:5-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas