Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hageo 2:5-9

Hageo 2:5-9 ASND

Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila sa Egipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot. “Ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan, ang nagsasabi na hindi magtatagal ay minsan ko pang yayanigin ang langit at ang mundo, ang lupa at ang dagat. Yayanigin ko ang lahat ng bansa at dadalhin nila rito sa templo ang kanilang mga kayamanan. Kaya mapupuno ang templong ito ng mga mamahaling bagay. Sapagkat ang mga ginto at mga pilak ay akin. Magiging mas maganda ang bagong templo kaysa sa dati. At bibigyan ko ang lugar na ito ng kapayapaan at mabuting kalagayan sa buhay. Ako, ang PANGINOONG Dios, ang nagsasabi nito.”