Masdan mo ang palalo! Hindi tapat sa kanya ang kaluluwa niya, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Bukod dito ang alak ay mandaraya; ang taong hambog ay hindi mamamalagi sa kanyang tahanan. Ang kanyang nasa ay parang Sheol, at siya'y parang kamatayan na hindi masisiyahan. Kanyang tinitipon para sa kanya ang lahat ng bansa at tinitipon para sa kanya ang lahat ng bayan.” Hindi ba ang lahat ng ito ay magsasalita ng kanilang pagtuya at panlilibak laban sa kanya, at kanilang sabihin, “Kahabag-habag siya na nagpaparami ng di kanya— Hanggang kailan ka magpapasan ng mga bagay na mula sa sangla?” Hindi ba biglang tatayo ang iyong mga nagpapautang, at magigising ang mga naniningil sa iyo? Kung gayon ay magiging samsam ka nila. Sapagkat iyong sinamsaman ang maraming bansa, sasamsaman ka ng lahat ng nalabi sa mga tao, dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasang ginawa sa lupain, sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon. Kahabag-habag siya na may masamang pakinabang para sa kanyang sambahayan, upang kanyang mailagay ang kanyang pugad sa itaas, upang maligtas sa abot ng kapahamakan! Ikaw ay nagbalak ng kahihiyan sa iyong sambahayan, sa pamamagitan ng pagpatay ng maraming tao, ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili. Sapagkat ang bato ay daraing mula sa pader, at ang biga mula sa mga kahoy ay sasagot. Kahabag-habag siya na nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
Basahin HABAKUK 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: HABAKUK 2:4-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas