Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 4:3-7

GENESIS 4:3-7 ABTAG01

Sa paglipas ng panahon ay nagdala si Cain ng isang handog sa PANGINOON mula sa mga bunga ng lupa. Nagdala rin si Abel ng mga panganay ng kanyang kawan, ang taba ng mga iyon. At pinahalagahan ng PANGINOON si Abel at ang kanyang handog, subalit hindi niya pinahalagahan si Cain at ang kanyang handog. Galit na galit si Cain, at nagngitngit ang kanyang mukha. Sinabi ng PANGINOON kay Cain, “Bakit ka nagalit at bakit nagngitngit ang iyong mukha? Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, hindi ka ba tatanggapin? At kung hindi ka gumawa ng mabuti, ang kasalanan ang nag-aabang sa pintuan. Ikaw ang nais nito, subalit kailangang madaig mo ito!”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya