Sila'y naglakbay mula sa Bethel. Nang sila ay may kalayuan pa mula sa Efrata, ay manganganak na si Raquel at siya'y naghihirap sa panganganak. Nang siya'y naghihirap sa panganganak, sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, sapagkat magkakaroon ka ng isa pang anak na lalaki.” Habang siya'y naghihingalo (sapagkat namatay siya), kanyang pinangalanan siyang Benoni; subalit tinawag siyang Benjamin ng kanyang ama. Kaya't namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Efrata, na siyang Bethlehem. Nagtayo si Jacob ng isang haligi sa ibabaw ng kanyang libingan na siyang haligi ng libingan ni Raquel hanggang ngayon. Naglakbay pa si Israel at itinayo ang kanyang tolda sa dako pa roon ng tore ng Eder. Samantalang naninirahan si Israel sa lupaing iyon, si Ruben ay humayo at sumiping kay Bilha na asawang-lingkod ng kanyang ama at ito'y nabalitaan ni Israel. Labindalawa nga ang anak na lalaki ni Jacob. Ang mga anak ni Lea: si Ruben na panganay ni Jacob, at sina Simeon, Levi, Juda, Isacar, at si Zebulon. Ang mga anak ni Raquel: sina Jose at si Benjamin; at ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel: sina Dan at Neftali; at ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea: sina Gad at Aser. Ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kanya sa Padan-aram. At pumunta si Jacob kay Isaac na kanyang ama sa Mamre, sa Kiryat-arba (na siyang Hebron), kung saan tumira sina Abraham at Isaac. Ang mga naging araw ni Isaac ay isandaan at walumpung taon. Nalagot ang hininga ni Isaac at namatay; at siya'y naging kasama ng kanyang bayan, matanda na at puspos ng mga araw. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.
Basahin GENESIS 35
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 35:16-29
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas