Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 31:44-49

GENESIS 31:44-49 ABTAG01

Halika ngayon, gumawa tayo ng isang tipan, ako at ikaw; at hayaang iyon ay maging saksi sa akin at sa iyo.” Kaya't kumuha si Jacob ng isang bato, at iyon ay itinayo bilang isang bantayog. At sinabi ni Jacob sa kanyang mga kamag-anak, “Magtipon kayo ng mga bato,” at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton at sila'y nagkainan doon sa malapit sa bunton. Tinawag ito ni Laban na Jegarsahadutha, subalit tinawag ito ni Jacob na Gilead. Sinabi ni Laban, “Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon.” Kaya't tinawag niya ito sa pangalang Gilead; at ang bantayog ay Mizpa sapagkat sinabi niya, “Bantayan ng PANGINOON ako at ikaw, kapag tayo'y hindi magkasama sa isa't isa.